Thursday, July 16, 2009

HELLO!!

Kasarap sanang matulog ngayon,malamig kasi dahil paambon-ambon kanina pang umaga pero ewan ko ba kung bakit ayaw akong dalawin ng antok,Siguro hindi lang ako nasanay.Ito kasing mga katabi ko mga natutulog na pero ako heto nangangalutkot pa sa computer at nagpapraktis mag blog...Blog na nga kaya ito? Kung blog man to gusto kong mabasa ng iba hindi naman para maging ksp o kulang sa pansin,gusto ko lang maexperience yung mabasa ng iba yung blog kong ginawa.Ako nga pala si Tokne at kilala ako sa pangalang lorie dito sa Royce sa Cabanatuan. 8 years na magbuhat ng ako'y magpakasal sa pinakamamahal kong si Nick pero hanggang ngayon wala pa kaming anak.Dati panay ang pacheck-up ko.Dalawang beses na nga akong nakunan at magbuhat non parang tinabangan na akong magpatingin pa sa doktor...Natatakot kasi ako sa sasabihin nila.Ayokong tanggapin na hindi ako magkakaanak dahil iyon ang makapagpapatigil ng mundo ko.Gusto kong isipin at itanim dito sa isipan kong binabalot ng agam-agam na isang araw magkakaroon din kami ng mga anak..Nalulungkot ako sa mga taong madalas magbiro na "mahina"daw kaming bumuo...hindi lang kasi nila alam ang sakit ng loob na idinudulot nito sa akin.Gusto ko nga silang tadyakan,batukan at sampalin ng pagkalakas-lakas dahil baka sakaling maramdaman nila maski ang katiting na sakit na nararamdaman ko habang pinagpipiyestahin nilang pagbiruan ang kakulangan ko bilang babae.Hindi kasi nila dinadanas ang pinagdadaanan ko.Sa bawat gabi bago ko ipikit ang mata ko kailanma'y hindi ko nalimutang ibulong sa panginoon ang natatangi kong dasal.Siguro mahaba lang ang pila kaya kailangan ko pang maghintay ng aking pagkakataon.Madaming beses ko na ngang sinisisi ang Diyos kung bakit tila hindi niya madinig ang mga dasal ko pero paulit-ulit ko na ding pinagagalitan ang sarili ko kung bakit napakawalangkwenta ko para sisihin ang Diyos.Hindi pa ako magpasalamat dahil heto ako ngayon sa malamig na lugar na ito habang ang iba'y hirap sa kanilang buhay...Hindi ko lang kasi maiwasang magdamdam sa twing nakakakita ako ng mga bata sa lansangan,mga batang sabik sa aruga ng magulang.Madalas tuloy akong napapatingala sa itaas at naitatanong kong sana'y sa aking sinapupunan na lang niya inilagay habang fetus ang mga batang yun de sana ay walang batang kalye na pagala-gala sa maduming daanang iyon.Madaming hiwaga ang buhay,madaming bakit madaming tanong pero sa dulo niyon isa lang ang nakakaalam iyon ay ang Panginoon....