Wednesday, July 1, 2009

MAHIRAP ANG WALANG NANAY

MIss ko na si Nanay…Ang hirap pala talaga kapag wala na siya.Parang kailan lang siya ang number one fan ko ngayon wala na magbuhat ng inagaw siya ng walang awang sakit na kanser sa amin.Naalala ko pa nung mga panahon na nakikipaglaban kami sa makadurog pusong sakit na yun.Ang bawat araw namin ay puno ng pagtitiis at pasasalamat.Pagtitiis sa maghapong pagpipigil ng aming mga damdaming nagnanais sumigaw habang wala kaming magawa sa tuwing naghihirap ang pinakamahalagang bahagi ng aming tahanan at Pasasalamat dahil isang araw na naman ang lumipas at napagtiyagaan namin ang nakakalunos na dagok ng buhay.Mahirap makipaglaban sa sakit na iyon walang katapat kundi ang taos sa pusong pananalangin. Ginugol namin nila nanay ang mga huling oras nya na punong-puno ng pagtitiwala sa Diyos.Alam namin at inaasahan naming darating sa punto na matutuldukan ang kanyang buhay.Akala nami’y handa na kaming tanggaping wala na kaming nanay pero kakaiba pala sa reyalidad…Hindi kami preparado,madaming besese at paulit-ulit kaming dinadaing ng aming emosyon lalo pa’t pag nakakakita kami o nakakarinig ng mga may sakit ding katulad ng kay Nanay na pinagmilagruhan daw at kapgdakay gumaling..Naitatanong ko sa sulok ng aking isip”Ano kayang dasal ang ginawa nila at sila’y pinakinggan subalit kami ay tinanggihan” Ayoko sanang kuwestiyunin ang mga ganung eksena at pinipilit kong tanggapin na siguro hanggang doon na lang si Nanay pero madaming beses akong tinatalo ng damdamin ko.Ganito pala ang pakiramdam ng walang nanay,Ang hirap,nakakalungkot at nakakaiyak kaya nga sana yung may mga nanay pa,pakamahalin ninyo ng husto ang nyong mga mother at madalas nyo silang yakapin dahil yun ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin ngayon subalit walang pagkakataon…

"KAY POONG NAZARENO"

PARA SA POONG NAZARENO

Sa Poong Nazareno

May dalangin ang puso,

Ngayong kaarawan mo,

Madinig sana akong nagsusumamo.

Ikaw nawa’y maging daan,

Upang ang dasal ko ay makamtan,

Ang aking sinapupunan,

Iyo nawang pakinggan.

Nasasabik itong malamnan,

Ng sanggol na inaabangan,

Malusog nawa siya aming Poon,

Malayo sa panganib doon.

Nagsusumamo kami Ama,

Makamit na ang dalangin noon pa,

Dinggin mo po na sana,

Iyong tugunin ang dasal naming dalawa.

Tiwala ang puso na ikaw ay tutugon,

Aasa at mananalig ng lubos,

Pagkat may habag ka,

Maawain naming Diyos….

isang tula sa pista ng POONG NAZARENO January 09

SALAMAT...

Ang mga biyaya mo ay tunay na kakaiba
Ligaya ng Puso ko tila pambihira,
Sa kabila ng pinagdaraanan kong ito,
Tila biglang sumigla ang mundo ko.
Salamat sa ginawa mong pag-akay,
Sa Pag-ibig mong sa amin ay inialay,
Salamat, sa gitna ng kawalan,
Ipinaramdam mong ikaw ay nariyan.
Ngayo’y walang pag-aalinlangan,
Ang puso kong itong nabalot ng karimlan,
Liwanag ang dulot mo sa isip na naguguluhan
Sa gitna ng unos hindi ka nangiwan.
Pagkukulang ko sana’y patawarin mo,
At kung sa iyo man ay nakalimot ako,
Ipaalala sanang ako’y mahal mo.
Kung anoman ang sa aki’y nais,
Mangyari nawa ito ng landas ko’y di malihis,
Sapagkat Ikaw ang may alam,
At sa buhay ko ay siyang tanglaw.
para kay jesus 12.11.06

AN OPEN LETTER FOR MY HUBBY

MAHAL TENKS SA SAMAHAN NATIN,SALAMAT SA PAGTITIYAGA MO SA MISIS MONG SUPER TABA HEHEHE AT SA MALAWAK MONG IMAHINASYON SA KAKAISIP MO NA AKO SI ARA MINA NG BUHAY MO…KIDDING ASIDE,THANKS TALAGA DAHIL ARAW-ARAW MONG PINAPAKULAY ANG BUHAY KO.MAY GREEN,MAY RED,MAY WHITE PERO WALANG BLUE..NAGPAPASALAMAT NGA AKO KAY BRO(JESUS) KASI SA HINABA-HABA NG PILA NG MGA MANLILIGAW KO EH IKAW ANG NAPILI KO.TAMA ANG NAGING DESISYON KO TALAGA PALANG SWEET KA AT MAPAGMAHAL..SANA NGA MABIGYAN NA KITA NG BABY PARA NAMAN MERON NG MAGING BUNGA ANG MATAMIS NATING PAG-IIBIGAN,NAKAKAINIP NA NGA DIN PERO SABI MO NGA DARATING DIN YON KAYA PANATAG NAMAN AKONG NAG-IINTAY DAHIL ALAM KONG IBIBIGAY DIN NI BRO SA ATIN YUN.SALAMAT NGA PALA SA PAGAPPRECIATE MO SA MGA GINAGAWA KO YUNG PAGPURI-PURI MO SA MGA LUTO KO KAHIT NA ALAM KON DEHINS NAMAN MASARAP EH SINASABI MONG MASARAP.(NABISTO NA KITA,KASI SINABI NI NINONG NAIKWENTO MO SA KANYA NA IKAW LANG ANG NASASARAPAN SA LUTO KO HEHEHE).TSAKA NGA PALA MAHAL TENKS SA PALAGI MONG PAGBIBIGAY SA AKIN NG TIME KAPAG INAABOT TAYO NG HATING GABI SA PAGKUKWENTUHAN…ALAM MO BANG YUN ANG NAGPAPASAYA SA AKIN KASI NGA ANG SARAP-SARAP NG FEELINGS KO KAPAG GANUN…SANA MAHAL WAG KANG MAGBABAGO HANE,SANA KAHIT SA PAGTANDA NATIN EH GANYAN KA PA DIN.I LOVE YOU AT DI MAGBABAGO YUN.

MISSING YOU,"KO-IS"

MAGDADALAWANG TAON TAON KA NA RIN PALANG WALA DITO,PARANG KAYLAN LANG DI KITA HALOS MAPANSIN,PERO NGAYON NASASABI KO SA SARILI KO NA SANA AY NANDITO KA.NASASABIK AKONG MAKAKWENTUHAN KA AT KAHIT PAANO’Y MAPAGHINGAHAN KO NG MGA KADRAMAHAN KO…ALAM MO BANG SA TUWING MAY MANGYAYARING MAGANDA SA BUHAY NAMIN EH IKAW ANG UNA KONG NAALALA KASI WALA KA DITO PARA MAKIBAHAGI SA KASIYAHAN NAMIN.SIGURO KUNG ANDITO KA NGAYON MATUTUWA KA KASI NATUTUPAD NA YUNG ILAN SA MGA PANGARAP KO…AKALA KO NGA HINDI KITA MAMIMISS NG KATULAD NITO KASI KADAMI DIN NATING PINAGTATALUNAN NUON.IBA KASI ANG GUSTO MO TALIWAS SA MGA GUSTO NAMIN NUON…PASENSYA KA NA KUNG DI KA NAMIN NAIINTINDIHAN AT DI NAMIN MASAKYAN ANG MGA GUSTO MO…PILIT NAMING IGINIIT ANG MGA OPINYONG SA AKALA NAMI’Y MAKABUBUTI PARA SA YO.GANUN PALA KAPAG NAGMAMAHAL LAHAT NG GUSTO NAMIN YUNG MAKABUBUTI SA YO.ALAM KO MATAGAL MUNANG KINALIMUTAN YUN AT NANINIWALA AKONG SA AMI’Y DI KA NAGTATAMPO..MADALAS KANG MAGPAALAM NUON,MARAMI KANG KINUKWENTO TUNGKOL DYAN SA PINAKIKIPAGLABAN MONG KARAMDAMAN AT SA TUWING MAGPAPAALAM KA SA AKIN AY PALAGI AKONG NAGAGALIT AT NASASABI KONG PRANING KA LANG.NATATAKOT KASI AKO NA BAKA ISANG ARAW BIGLA KA NALANG UMALIS,AYOKONG AMININ SA SARILI KO NA TUTUO YANG PAGPAPAALAM MO.HANGGANG ISANG ARAW BIGLA MO NA LANG KAMING GINULAT.ANG GALING MONG TUMYEMPO SA BISIG KA NI LANIE TULUYANG NAGPAALAM..MADAMI KASI KAYONG TAMPUHAN NON PERO MADALAS MONG MAIKWENTO SA AKIN NA GINAGAWA MO LANG NAMAN IYON DAHIL NGA GUSTO MONG MAINIS SYA SAYO PARA PAG UMALIS KA DI NYA GAANONG MARAMDAMAN NA WALA KA..ALAM KONG BAGO KA UMALIS HININTAY MONG MADINIG KAY LANIE NA MAHAL KA NIYA,ALAM KONG NADINIG MO YUN BAGO KA UMALIS AT SINADYA MONG WALA AKO DAHIL ALAM MONG NERBIYOSA AKO AT BAKA HINDI KO MAKAYANANG MAKITA KA SA GANONG KALAGAYAN…SALAMAT DAHIL TAMA KA HINDI KO KAYANG SAKSIHAN KUNG GAANO KAHIRAP ANG PINAGDAANAN MO BAGO KA UMALIS.ANG GUSTO KO LANG ANG PALAGI KONG MAALA-LA EH YUNG MAKISIG MONG KATAWAN YUNG MALUSOG AT WALANG SAKIT…ALAM MO BANG ISA SA PINAKAMASAYANG ALA-ALA NG PAGKABATA KO AY YUNG NUNG MAGKASAMA TAYONG NANGANGAMATSILE SA TABI NG KULUNGAN NG BABOY NILA INANG ERLENG.TAGASUNGKIT AKO AT IKAW ANG DAKILANG TAGAPULOT NG MGA PUTOK AT MATATABANG KAMATSILENG NASUSUNGKIT KO..PALAGI KANG NAKABUNTOT SA AKIN NA PARA BANG ANINO KO.NAASAR NGA DIN AKO DAHIL PALAGI AKONG BITIN SA PAGLALARO KAPAG KASAMA KITA.HINDI KA KASI MAKATAKBO NG MATULIN TULAD KO..ANG SARAP BALIKAN NG MGA EKSENANG TULAD NON…PARANG KAILAN LANG IKAW ANG INAALAGAAN KO NGAYON HETO NA ANG ANAK MO AT KOPYANG=KOPYA ANG MGA STYLE MO NUON YUN NGALANG MALIKSI SIYA KUNG IKUKUMPARA SA YO PERO HINDI MAIKAKAILANG GALING SIYA SAYO..SA TWING NAIINIP KAMI AT NAALALA KA NAMIN YAYAKAPIN LANG NAMIN ANG ANAK MO AT PARANG NANDITO KA NA DIN…MARAMI NG TANONG KUNG MINSAN NGA NAHIHIRAPAN NA RIN KAMING MAGPALIWANAG KAPAG TINATANONG NYA KUNG KAILAN KA BABALIK,PAANO KA DAW MAKAKABABA DYAN EH ANG TAAS-TAAS DAW NG LANGIT,MAHABA DAW SIGURO ANG HAGDANANG GAGAMITIN MO. IKAW ANG GUSTO NYANG PAGKWENTUHAN NAMIN PALAGI.KUNG PAANO KA MAGLARO,KUNG PAANO KA MANGHULI NG GAGAMBA AT KUNG MATAPANG KA DAW BA..SYEMPRE NAMAN EXAGGERATED ANG AKING MGA SAGOT SINASABI KUNG OO MATAPANG KA…TAMA NAMAN AKO HINDI BA?BUONG TAPANG MONG HINARAP ANG MGA KIROT DYAN SA PUSO MO,IBANG KLASE DIN ANG TINIIS MO TOL ALAM KO YUN PERO MADALANG KANG MAGREKLAMO.BILIB NGA AKO SA YO DAHIL PINAGSUMIKAPAN MONG IWANAN KAMI NG ALA-ALA MONG KAILANMA’Y HINDI NAMIN MAKAKALIMUTAN AT SA TWING IKA’Y AMING KASASABIKAN SIYA LANG ANG AMING TITINGNAN AT MAPAPAWI NA ANG AMING KALUNGKUTAN…PANO TOL BYE NA MUNA TILL NEXT TIME.NAMISS LANG KASI KITA… I LOVE YOU!!!KAMUSTA MO NALANG KAMI KAY NANAY…P.S. NAIBULONG MUNA BA KAY JESUS YUNG BILIN KO?

BY:TOKNENENE

TULA PARA KAY NANAY KO...

NANAY

Minsan may isang Nanay,
Na sa akin ay umakay,
Nagturo siya at isip ko’y pinanday,
Minahal nya ako ng walang kapantay.

Mga kamay nya ay walang katulad,
Maalaga’t maingat bawat dampi ng palad,
Sa pagaaruga sa akin mula pagkabata,
Hirap at pagod di nya inalintana.

Nakasasabik ang mga sandali,
Parang kailan lang kamiy magkatabi,
Sa aking bisig siyay nakahilig at nagsabi,
Mahal daw nya ako at iyo’y di mapapawi.

Ngunit panaho’y kay bilis na lumipas,
Kay hirap pigilin ng bawat oras.
Masasayang sandali sa ami’y kumupas,
Ang dahon ng kahapon ay tuluyang nalagas.

Pusot isipan ay walang nagawa,
Pilit na nagmamakaawa sa Lumikha,
Si Nanay sana’y ipahiram pa NIYA,
Bigyan ng bagong lakas at sigla.

Subalit takdang oras ay dumating na,
Naisin ma’y di na mahahadlangan pa.
Kailangan ng ibalik sa ating AMA,
Ang buhay na hiram sa KANYA.

Panahon na upang siya’y umalis,
Sa mundong puno ng pagtitiis,
Tapos na ang bawat pagtangis,
Sa sakit niyang dinanas na walang kaparis.

Mahirap mang sa ami’y tanggapin,
Subalit dapat na kayanin,
At buong puso siya’y ihain,
Sa Panginoong Diyos na maawain.

Mapagpalang kamay ng LUMIKHA,
Ang sa kanya’y, mag-aaruga,
Doon siya’y walang pangamba,
Mapupuno pa ng galak at tuwa.

Malayo man ang Nanay sa amin,
Alam kong siya’y kasama sa bawat panalangin,
At kung sakali mang sa kanya ako’y masabik,
Masasayang sandali aking aalalahanin.

Babalikan sa aking diwa’t isipan,
Na minsan may isang Nanay akong kaagapay,
Kasama sa lungkot at saya ng buhay,
Nagmahal at nagparayang tunay.

By: tokneneng

PAGBANGON

PAGBANGON
By:tokneneng

Linggo ng hapon noon ng dalawin ko si Nanay, kasalukuyan siyang naghihirap sa sakit niya. Ayoko sanang makita kung paano siya igupo ng kanyang karamdaman, subalit hindi naman siya mawala sa gunita ko at hindi ko mapigilang umuwi sa aming nayon upang makita siya kahit ilang oras lang. Talaga namang napakasakit pala na makitang naghihirap ang iyong ina, wala naman akong magawa upang tulungan siya. Sa tuwing dadaing si Nanay para bang sasabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Guilt sa aking sarili dahil hindi ko magawang ipagtapat kay Nanay ang tunay na sitwasyon niya,na mayroon siyang sakit na kanser at binibilang na lang ang oras niya. Poot, dahil sa milyon-milyong pamilya sa mundo kung bakit sa Nanay ko pa dumapo ang walang awang sakit na iyon…. Takot, dahil baka isang araw sa sobrang kirot na nararamdaman ni Nanay ay bigla siyang sumuko, at kawalan ng pag-asa, dahil halos araw-araw nalang ay ipinagdarasal kong gumaling sya subalit pakiramdam ko, hindi manlang naririnig ang mga dasal ko.Sa tingin ko’y patuloy na nagiging hapis ang mukha ni Nanay sa paglipas ng panahon. Oo ngat kapag binibisita ko siya ay nakukuha pa niyang ngumiti subalit halata ko namang sa likod ng mga ngiting iyon ay may nagkukubling kirot…Kirot na tila dumudurog sa bawat himaymay ng kanyang laman. Ang dami-dami naming problema, para bang hindi ko na kaya kapag inisip kong lahat. Si tatay pinahihirapan din ng sakit niyang Diabetis, ang kapatid kong lalaki puso naman ang pinupuntirya sa kanya….. Ang hirap!, nakakapagod, nakakasawa, nakakaupos.
Malapit na sanang tumulo ang luha ko nuong oras na iyon ngunit muling sumigla ako ng lumapit sa akin ang noon ay magdadalawang taong gulang kong pamangkin. Kalikutan niya, kapilyuhan at sobrang interesado siya sa mga bagay-bagay. Tangan niya ang lapis at papel. Mommy, Mommy ang buong kasabikang sabi niya sa akin sabay pakita ng tangan niya, turuan ko daw siyang magsulat, iyon ang pagkakaintindi ko sa pabulol niyang pagsasalita. Nabuhay muli ang loob ko, at buong giliw ko siyang pinagmasdan. Nakita ko sa mga mata nya ang buong pagtitiwala nya sa aking kakayanan. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at pinatanganan ko ang lapis habang ginagabayan ko siya sa pagguhit ng mga bilog at haba, hanggang mag-isa nalang siya sa kanyang ginagawa at ng magsawa na ay nilukot-lukot ang papel at ibinigay sa akin. Hindi ko inaasahang ang papel palang iyon ang muling bubuhay sa pananalig ko sa Diyos na sa kasalukuyan ay unti-unting humihina… Isang sanaysay sa wikang Ingles pala ang nakasulat doon. Ito ang buod ng nilalaman ng binasa ko: May isang lalaking nakapulot ng COCOON habang siya ay naglalakad, inuwi niya ito sa kanyang bahay upang hintaying lumabas ang doon ay nakalimlim na paru-paro. Sa paglipas ng araw, napagmasdan ng lalaki na nagkaroon ng maliit na butas ang cocoon at nakita niyang lubhang nahihirapan ang paru-paro sa paglabas. Sa awa ng lalaki kumuha siya ng gunting at ginupit nya ang maliit na butas ng sa gayon ay madaling makaalpas ang munting paru-paro. At tulad nga ng kanyang inaasahan, anong dali nitong nakalabas, subalit ganun nalang ang kanyang pagtataka dahil ayaw igalaw ng paru-paro ang kanyang pak-pak. Mukhang nahihirapan ito at nananamlay. Inisip ng lalaki na isang araw ay lalakas din ito at magkakasigla, ngunit hindi iyon ang nangyari, Sa halip ang paru-paro ay tuluyan ng di nakalipad, gumapang siya habang buhay. Laking lungkot ng lalaking iyon ng malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit tila nalumpo ang paru-paro. Ito pala ay dahil sa ginawa niyang paggupit sa butas ng cocoon upang madaling makaalpas ang nasa loob nito.,dapat daw palang pagdaanan ng paru-paro ang hirap sa paglabas sa maliit na butas upang mailabas ng kanyang katawan ang natatanging katas na siyang makapagbibigay sa kanya ng kakayahang maigalaw ang kanyang pak-pak. Hindi niya nailabas ang katas na iyon dahil sa ginawang pagtulong na lalake.Lubos ang kanyang pagsisisi sa kanyang ginawa. Siya na naawa at tumulong ang naging kapalit ay habambuhay na pagdurusa ng isang inosenteng nilalang.
Marahil ganito rin ang pinagdaraanan ng aming pamilya sa panahong ito. Siguro nga ay may sikretong dahilan ang lumikha kung bakit kailangan pang danasin namin ang ganitong klaseng paghihirap. Kung ano man ang dahilang iyon, natitiyak kong ito ay para sa ikapapanuto ng aming buhay. Akala lang siguro namin ay bingi siya sa aming dasal at di niya kami dinidinig pero sa kabila pala nito ay may plano siyang inilalaan para sa bawat isa sa amin.Magbuhat noong oras na iyon ay sinabi ko sa aking sarili na kailangan kong bumangon sa pagkakadapa at muling bubuhayin ko ang tila namatay kong pag-asa.Unti-unti ay pag-aaralan kong pagpahalagahan ang mga bagay na kaloob ng Lumikha. Pangit man ito o Maganda ay wala akong dapat na ikuwestiyon sa Panginoon sapagkat alam kong ang lahat ng nangyayari ay pawang kaloob Niya at may planong nakalaan.Isang planong may magandang kapupuntahan sapagkat buong ingat na pinagisipan at pinaghandaan. Kaya nga ganon nalang ang kaligayahan ko ng mabasa ko ang kathang iyon. Salamat sa pamangkin ko na ang palaging dulot sa amin ay tuwa. Hulog siya ng langit na syang nagdudulot sa amin ng ligayang walang kaparis.
Just Reminiscing….

SENTI LANG PO

Bakit ang buhay parang isang pila na hindi mo alam ang patutunguhan…Isang paligsahan na kailangang may manalo. Para bang isang pakikipaglaban na sa huli ay palaging may talunan. Ganito nga kaya talaga?

Mahirap pero kailangang sumali walang katapusang pagmamadali, Walang tigil na pakikipagsabayan. Matira ang matibay maiwan ang mahina at maging talunan.Nakakalungkot isipin na sa kabila nito para bang kay-ilap parin ng kaligayahan. Sa kabila ng malulutong na halakhak ay di maikukubli ang sakit at kirot na umaalipin sa puso ng isang inang iniwanan….Nasaan nga ba ang kaligayahan? Natatanaw ba ng Panginoon mula sa kalangitan ang damdamin kong nagkukubli sa masaya at masigla kong mga tinig? Nahihinuha ba sa kalayuan ang isipang pagal na tila unti-unting pinapaso ng masasakit na ala-ala ng kahapong pilit tinatalikuran? Ano nga ba ang naghihintay sa aking paglalayag?

Masakit ngunit pinilit kong ibaon na lang sa limot ang anghel na sana ay sa akin…Walang nagawa ang mga luhang dumaloy sa aking mga mata,walang naging tugon ang mga piping dasal na ibinubulong sa Panginoon, kundi ang manikluhod at umasang magkikita pagdating ng panahon…

Limang buwan ko ding iningatan sa aking sinapupunan ang bunga ng aming pagmamahalan.Inalagaan,hinimas-himas at palagi ng minamasdan ang tiyan kong naging kanyang tahanan. Sa bawat buwan ay unti-unting bumibilog na nagdulot ng galak sa mga puso naming sa kanya’y nag-aabang. Wala akong ibang pinangarap kundi ang dumating ang tamang oras na siya ay masilayan ng harapan, Maipaghele sa aking bisig at mahagkan. Hindi ko inalintana ang mga hilo at pagsusuka na dulot ng aking pagdadala sa kanya. Sa halip, itinuring ko itong isang napakagandang bahagi ng paglalakbay sa aking buhay. Natutunan kong bumuo ng isang pangarap na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ako ang sentro nito, Isang pangarap na itinuring kong pinakadakilang bagay na pinaplano ko para sa isang nilalang na nuon ay nasa tiyan ko pa lamang. Balak ko sanang tumigil sa pamamasukan at ituon ang panahon ko sa aming magiging panganay. Gusto kong ako ang gumawa ng lahat ng bagay para sa kanya, Gusto kong maging bahagi ako ng bawat detalye ng paglaki niya at magiging kaligayahan ko kung siya ay mapagsisilbihan ko ng lubusan…Nicko ang binuo naming pangalan para sa kanya. Iyon nga ang tawag ko sa kanya sa tuwing kakausapin ko siya sa aking tiyan. Hindi ako nainip sa paghihintay ngunit isang araw na lang sa aking pagkabigla, Inagaw ng pagkakataon ang aming mga pangarap…Isang madaling araw habang natutulog ang lahat ako nama’y walang tigil sa pag-iyak at pagdarasal na sana’y huwag kunin sa akin ang aking anak, subalit anomang pagpipigil ko, walang sawa sa pagpatak ang mga dugo na buong ingat kong inaalagaan, Walang nagawa ang mga duktor ,hindi naisalba ang aking si Nicko. Sa isang iglap lang ay nawalang parang bula ang pinakamimithi naming pangarap.Inilagay ko siya sa pedestal ng aking puso, Ngunit sadyang napakalupit ng tadhana hindi manlang ipinaubaya ang dakila naming hangarin…Inagaw ng lupa ang aming anghel…Kay-dami naman sanang babae riyan na ayaw pang magkaanak ngunit ako na handang magsakripisyo ng lahat-lahat bakit hindi ako pinakinggan? Ano pa ba ang kulang?
Minsan pa ay pinagsumikapan kong buuin ang nadurog kong pananalig. Pilit binuo ang noon ay nagupo kong pag-asa , Akala ko’y kasama ng natabunan ng lupa sa piling ng aking si Nicko ang aking mga pangarap. Ayoko na sanang lumaban,Ayoko ng umasa,Ngunit kaybait ng pagkakataon. Sa paglipas ng panahon kasama ring nalimot nito ang masasakit na ala-ala ng kahapon. Salamat sa nagpabago ng aking pananaw,Mga kaibigan,kamag-anak at kakilala na walang sawang umunawa at nagpapaalala sa ganda at kulay ng buhay. Subalit sugat man ay may naiiwang pilat na nagkukubli sa kailaliman ng damdamin na hanggang sa ngayon ay di mabura ng panahon. Sa tuwing mauulinig ang tinig ng sanggol ay may dumadagok sa aking dib-dib na tila nagpapaalab sa aking pagnanasa na sana’y ako ang may kalong sa batang buong ingat na yakap ng kanyang ina...Ano nga kaya ang pakiramdam kung ako ang nasa kanyang posisyon? Kailan kaya dadaluyan ng gatas ang aking mga dib-dib na nasasabik magbigay buhay sa anghel na kay-ilap? Kailan kaya aabot sa langit ang mga dasal kong paulit-ulit…Kailan kaya ako’y KANYANG diringgin? Ahhh, Kayraming tanong,kayraming bakit…

Sa patuloy na paglipas ng panahon, Isa lamang ang sa twina’y sandata ng aking pagkalungkot at pangungulila…Kung ang buhay man ay isang karera at pakikipagpaligsahan,maaring may mauna at kung may mahuli man tyak na makararating din sa nais na patunguhan kung patuloy na mangangarap,aasa at magdarasal na isang araw ang mga wagas sa pusong dasal ay may tugong katumbas. Sa ngayon,Pipilitin kong punan ng masasayang ala-ala ng aking si Nicko ang malungkot kong mundo at mananalig na hindi natutulog ang MAY KAPAL sa dako pa roon…..

Sometimes in June 2008
By toknikel

MY ANGEL NICKO

Yes, Angel Nicko is your name.

Not once did we feel what it was like to cradle you in our arms

Not once did we feel the thrill of watching you make your first tiny steps.

Not once did we feel the inner pleasure of hearing you say “Mommy” and “Daddy”.

But you see, that doesn’t change the fact that you are our child.

And Angel Nicko is your name.

God did answer our prayer.

You are a happy child today, far more than we can ever imagine.

And He made you what He wanted you to be.

For God so determined that it is you Nicko, who now cradles us in your arms of prayer.

And it’s you our Angel, who thrills in watching our every step, our every move, our every breath. And it’s you who have not stopped saying “Mommy” and “Daddy” since you entered the portals of heaven, for you mentions our names before God every day.

You were never with us, and yet will always be with us.

And no one can take you away from us anymore. For Angel Nicko is your name.

An excerpt from

Bo Sanchez Article