
MIss ko na si Nanay…Ang hirap pala talaga kapag wala na siya.Parang kailan lang siya ang number one fan ko ngayon wala na magbuhat ng inagaw siya ng walang awang sakit na kanser sa amin.Naalala ko pa nung mga panahon na nakikipaglaban kami sa makadurog pusong sakit na yun.Ang bawat araw namin ay puno ng pagtitiis at pasasalamat.Pagtitiis sa maghapong pagpipigil ng aming mga damdaming nagnanais sumigaw habang wala kaming magawa sa tuwing naghihirap ang pinakamahalagang bahagi ng aming tahanan at Pasasalamat dahil isang araw na naman ang lumipas at napagtiyagaan namin ang nakakalunos na dagok ng buhay.Mahirap makipaglaban sa sakit na iyon walang katapat kundi ang taos sa pusong pananalangin. Ginugol namin nila nanay ang mga huling oras nya na punong-puno ng pagtitiwala sa Diyos.Alam namin at inaasahan naming darating sa punto na matutuldukan ang kanyang buhay.Akala nami’y handa na kaming tanggaping wala na kaming nanay pero kakaiba pala sa reyalidad…Hindi kami preparado,madaming besese at paulit-ulit kaming dinadaing ng aming emosyon lalo pa’t pag nakakakita kami o nakakarinig ng mga may sakit ding katulad ng kay Nanay na pinagmilagruhan daw at kapgdakay gumaling..Naitatanong ko sa sulok ng aking isip”Ano kayang dasal ang ginawa nila at sila’y pinakinggan subalit kami ay tinanggihan” Ayoko sanang kuwestiyunin ang mga ganung eksena at pinipilit kong tanggapin na siguro hanggang doon na lang si Nanay pero madaming beses akong tinatalo ng damdamin ko.Ganito pala ang pakiramdam ng walang nanay,Ang hirap,nakakalungkot at nakakaiyak kaya nga sana yung may mga nanay pa,pakamahalin ninyo ng husto ang nyong mga mother at madalas nyo silang yakapin dahil yun ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin ngayon subalit walang pagkakataon…